(Because it was Mother’s Day yesterday…I’d like to share something I wrote about my Mom…The following article was my first shot at having something published…hehehe! It came out in Code Red Magazine sometime in 2005)
Martes nang tanghali dakong alas 12:30, nakatanggap ako ng isang tawag mula kay Kuya Manny. Kailangan ko raw sumulat ng isang “maikling” salaysay (“Mga one or two paragraphs lang naman.”) tungkol kay Mommy para sa yearbook ng aming family reunion. Ang tanging nasabi ko lang sa kanya ay “ANO?!!!” Naitanong ko iyon hindi dahil wala akong gaanong maisusulat tungkol kay Mommy. On the contrary, baka hindi kayanin ng mga pahina ng yearbook ang highlights pa lamang ng “The Life and Times of My Mother.” (Baka kami ang papagbayarin ng printing cost!) Alam kong hindi mabibigyang hustisya ng dalawang talata lamang ang pagsasalarawan ko kay Mommy. Hindi ito isang salaysay tungkol sa mga medalya at karangalang natanggap ng aking ina. Bagkus magiging isa itong patikim, mga “bura-buraot” (term yan ni Mommy meaning “sari-saring piraso”) na alaala ko tungkol kay Marina Salazar Leyran – anak, kapatid, asawa at ina…
Ipinanganak noong ika-5 ng Hulyo 1935, panganay si Mommy sa limang anak nila Lolo Felino at Lola Cheling. Idol ni Mommy si Lolo Felino. Bagamat hindi ko na inabot si Lolo, laging ikinukuwento ni Mommy ang kanyang angking kabaitan at kadakilaan. Weeeell, pag dating naman kay Lola, it’s a totally different story. Minsan sinabi ni Mommy na siya ang tumatayong “kontrabida” sa kuwentong-buhay ni Lola. Magkaibang-magkaiba kasi sila. Kung si Lola ay matatarantahin, si Mommy ang “Queen of Cool.” Kung ang fashion sense ni Lola ay pang-Vogue at Cosmopolitan, ang kay Mommy, pang-Sports Illustrated. Kung si Lola ay laging kuntodo-alahas, tuwing kasalan at formal parties lang nag-hihikaw si Mommy. Kung si Lola ay nakakapag-lipstick kahit walang salaming kaharap, si Mommy naman naka-lip brush na, may lagpas pa rin kung minsan. In fairness to Mom, hindi naman siya naging pabaya sa katawan. Paminsan-minsan ay may attacks of vanity din siya. Gaya noong ooperahan siya para tanggalan ng kalyo sa kanyang paa. A day before the operation, dumayo pa si Mommy sa Cubao para magpakulot kay Tony Galvez at bumili ng bagong nightie. Syempre, para “beauty” siya pag may dumalaw. Hanggang ngayon, rain or shine, Mom finds a way to exercise, be it in a gym or at home. Malaki raw kasi ang puson niya. (Ma, hindi naman siguro kataka-taka ‘yon dahil walo naman ang naging anak mo.) At alam niyo bang tumigil na siyang manigarilyo? Hindi dahil takot siyang magka-lung cancer kundi dahil napagtanto daw niyang nakaka-damage daw ito ng skin. At dahil hindi nga siya katulad ni Lola na kahit pikit na sa pagod ay hindi nakakalimot maglagay ng Elizabeth Arden Moisturizing Cream sa mukha, iba ang beauty secret ng nanay ko. Ang natititpid niyang budget para sa sigarilyo ay nare-channel na para sa kanyang pagpapa-facial. Sa kabila ng napakaraming “irreconcilable differences” nila ni Lola, saksi ako sa pagmamahal at pagkalingang inialay ni Mommy kay Lola noong ito’y buhay pa.
Wala akong maalalang panahong narinig kong tinawag siyang “Ate” ng kanyang mga kapatid. Madalas, Marina lang. At lately, siya na rin si “Mary Ann,” na siyang madalas na tawag sa kanya ng Tita Edith ko. Pero tawagin mang “Ate” o hindi , bakas sa kanyang mga kapatid ang paggalang at pagmamahal sa kanilang tumatayong “Mother Superior.”
Nakapagtapos si Mommy ng Bachelor of Music major in Piano sa St. Scholastica’s College-Manila. Proud at loyal si Mommy sa St. Scho. (Yan ang dahilan kung bakit tuwang-tuwa siya at sinagot niya ang gastos sa uniform nang pumasa ang anak ko dun.) Marahil kasi marami siyang mga kuwento tungkol sa mga kalokohan niya noong college pa siya. Hanggang ngayon, active pa rin siya sa Alumni Association nito.
Napangasawa ni Mommy ang aking amang si Ramon R. Leyran, tubong Alfonso, Cavite noong siya ay 23 taong gulang. At sa loob ng mahigit na apatnapung taong pagsasama, ang puno ay namunga — ng sangkatutak! Walo kasi kaming naging anak (normal delivery, walang anaesthesia at kung minsan 11 months lang ang agwat!).
Dating music teacher si Mommy sa Torres High School. Ngunit dahil sa lumalaki at dumarami na kami, iniwan ni Mommy ang pagtuturo upang maging isang full-time Mother Hen. (And the adventure begins…)
“Ibang klase ang mommy mo!” Madalas sinasabi sa akin yan ng mga kaibigan ko. Totoo yan. Ilan ba ang kilala mong Mommy na ang favorite hangout sa mall ay Ace Hardware? May kilala ka bang Mommy na may personal collection ng drill, martilyo, screw driver, philips, pako, hook at iba pa? Karaniwan, ang mga babae ay nangangarap na magkaroon ng mga alahas, magagandang damit at sapatos. Ilang nanay ang kilala mo na ang pinakamimithi niyang ma-acquire ngayon ay isang electric chainsaw?!! (Yes, folks, nais ni Mommy na magkaroon ng chainsaw, as in chainsaw massacre!!! What she plans to do with it, I just hope, will not involve me.) At ilan ang kilala mong Mommy na kaya akong igawa ng “the superpower of all Power of Attorneys” (para maka-issue ako ng cheke at maka-withdraw sa business account ng asawa ko, now and until the end of time! Amen.) na hinangaan ng Notary Public na pinagdalhan ko? Nang tanungin nga ako kung kaninong attorney ko pinagawa, gusto ko sanang sabihing bagamat di abogado at di nabibilang sa kawani ng Department of Justice ang nanay ko, ang nanay ko po ay member ng Justice League ni Superman at Wonder Woman.
Seriously now, iba si Mommy kasi iba ang istilo niya sa pagtuturo. Naalala ko na kahit halos sabay-sabay niya kaming tinuturuan ng lessons sa dining table, pagdating sa pag-aaral, walang “shortcut” sa kanya. Hindi niya, kahit kailan, ibinigay ang mga sagot para maka-perfect kami at magka-medal. Bagkus itinuro niyang gamitin namin ang aming mga utak upang matuklasan namin sa aming mga sarili ang sagot sa mga katanungan.
Karamihan sa aming magkakapatid ay slow learners nung kami ay bata pa. Isa na ako doon. Bumagsak ako sa kinder entrance exam ng St. Bridget sa Quezon City. Baliktad ako kung sumulat (mirror writing baga kasi kaliwete ako) at wala ni isang tumama sa mga sagot ko. Ginamitan ni Mommy ng “Marina Magic” ang kaibigan niyang madre sa Good Shepherd Sisters. Tanggapin na raw ako dahil magaling daw ang ulo ko gaya niya. Well…nagkamali siya. Bumagsak din ako ng kinder dahil nagsasalita lang ako tuwing recess time at ayaw kong sumulat. Pero, take note, hindi ako repeater at naka-attend pa ako ng graduation! Paano? Sabi ni Mommy, ipinangako na raw niya ako sa kongregasyon ng Religious of the Good Shepherd na magmamadre ako. (Shock!) At sinabi raw niya doon na ako raw ang magiging pinakamagaling na Mother Superior nila. (Hesusmaryosep! Kung alam lang nila na ako pala ang pinaka-unang mag-aasawa sa amin!) Siguro dahil sa pangakong iyon (o posibleng ginamitan na rin ni Mommy ng magic ang utak ko) kung kaya mula noon ay hindi na ako bumagsak at nakasama pa sa honor roll taon-taon.
Ang kakaibang pagdidisiplina naman sa amin ni Mommy ang nagbunsod upang kami’y maging malilikhain. Executive Order # 0001 of the 1959 Leyran Household Dimasalang Convention clearly states that: Bawal manood ng TV mula Lunes hanggang Biyernes lalo’t hindi tapos ang assignments at hindi pa nakakapag-practice ng piano at violin. Ilalagay ni mommy sa Channel 3 (di pa uso ang cable noon) o saan mang channel na walang palabas (kahit sound, wala rin), huhugutin niya ang pihitan (wala pa rin kasing remote control noon), at ilalagay ito sa kanyang bag sabay alis. Wais di ba? Noong maliit pa kami ng kapatid kong si RJ, pinilit naming bilangin kung ilan ang black at white dots meron sa static. Pero di nagtatagal, nagsawa at nagkanduduling rin kami sa kabibilang at ituon na lamang ang aming atensyon sa ibang bagay gaya ng paglalaro, pagbabasa, pagsusulat at paggawa ng kung anu-ano. Kasama na doon ang pagtuklas ng mga makabagong pamamaraan kung paano namin malilipat ng channel ang TV gamit ang pliers, tinidor, kutsilyo, atbp. At kabuklod rin nito ang paghasa ng aming mga isip kung papaano namin palalamigin ang TV pagkatapos manood. Hinihipo kasi ni Mommy ang TV pag-uwi niya. Pag mainit pa ang TV…LAGOT! Tapos na ang aming maliligayang araw sa piling ni Voltes V.
Ang bahay namin sa Fairview ay parang isang isla noong mga late 70’s. Walang katabing kapitbahay at malayo sa tindahan at kabihasnan. Sabi ng nanay ko, napaka-ideal na setting for business. Sa dami namin sa bahay, hindi ka mauubusan ng kliyente. Nandyan si Daddy, si Mommy, si Lola, ang mga katulong, at syempre, ang mga ate at mga kuya. Ito ang dahilan kung kaya’t inilunsad ang isa sa mga makabuluhang proyekto ni Mommy sa bahay — ang kanyang Pang-dagdag Baon Project, per DTI-NCR Permit No. 79-002 Series of 1979. “Imbes na manood kayo ng TV, mag-negosyo kayo!” Sa gulang na sampu, meron na akong business mentor, consultant at financier – si Mommy! Pinautang niya kami mula sa kanyang pork barrel fund ng capital para makapagsimula. Kaya sa loob ng bahay namin noon, may tatlong cigarette stands – kay RJ, kay Ninoy at sa akin. Business was good. Nakabayad kami agad ng utang at nakapag-expand pa sa pag-shoe shine at pagtitinda ng softdrinks at ice candy. Dahil stiff ang competition, nahasa kaming tatlo sa advertising at promotions. Kanya-kanyang gawa ng posters at gimik. May “Shoe Shine with a Smile!”, “Libreng Yosi sa Bawat Pa-Shoe Shine” at “Buy now, Pay Next Week.” At dapat seryoso ang mga gimik na yan! Kapag hindi ka naka-ngiti habang naglilinis ng sapatos, walang bayad! Di pwedeng putol ang libreng sigarilyo. At bawal maningil ng pautang kung wala pang eksaktong 7 days ang nakalilipas!
Ilan lang yan sa mga kakatuwang karanasan namin kay Mommy. Pero, kung iisipin, ang mga ito ang siyang naghubog sa kung ano kami ngayon.
Hindi rin matatawaran ang kakaibang strength ni Mommy. Hindi ko naman ibig sabihing mala-superhero o “tigasin” ang dating ng nanay ko. Kahit mahilig siyang pumunta sa gym para mag-weights, hindi naman bukol-bukol and mga muscles ni Mommy. In fact, siya nga daw ang may pinaka-“wow legs” sa aming lahat! With strength, I mean her capacity to “stay cool even under extreme conditions.” Para siyang baterya ng kotse, lagi mong maaasaahan na siya ang pinaka-kalmadong tao sa pinakamainit na sitwasyon.
Kung sa kaunting lagnat ng mga anak ko, natataranta ako (namana ko ito kay Lola eh!), si Mommy, ni minsan, ay hindi ko kinakitaan ng takot sa mata, kahit noong na-diagnose akong may myasthenia gravis at the age of 17. Sinabi ng neurologist na maaaring panghabangbuhay na ito dahil di tiyak ang sanhi nito, entonces, walang siguradong lunas. But Mommy never, not once, showed fear nor lost hope for me. Syempre, nandyang pinatawas niya ako. At naaninag ng magtatawas na may naupuan daw akong isang di-pangkaraniwang nilalang – isang duwendeng nagalit sa akin. (Kung bakit naman kasi ang lapad ng balakang ko eh!) At ang pangontra sa sumpa ng duwende? Cooking oil na may abo ng dahon ng saging na kailangan kong i-apply sa lahat ng singit ng katawan ko three times a day!!! Inilagay ni Mommy sa magandang bote ang “mahiwagang cooking oil potion.” Sinigurado niyang hindi ito matatapon dahil dadalhin ko raw ito araw-araw sa pagpasok ko sa UP to perform my “lunchbreak ritual.” Malay nga naman daw ba namin baka gumaling ako. (Patawarin nawa ako ni Mommy sa misteryosong pagkaubos ng mahiwagang langis, pero sadyang mahirap mag-concentrate sa pag-aaral kung may mantika at abo sa singit!) Nandyan ding dalhin ako sa isang faith healer na kamukha ni Elvis Presley, complete with the costume, sideburns and gigantic rings. At nagpakonsulta rin kami sa isang reflexology clinic na ang diagnosis sa sakit ko - bunga raw ito ng maling pamamaraan ng pagkain ko. Kasi naman daw, ka-babae kong tao para raw akong taxi driver kung kumain kaya’t hindi raw ako natutunawan (parang gusto kong mainsulto). Ang resulta? Nagmalfunction daw ang aking metabolic chuva-eklavu, naglahok-lahok ang mga toxins, nagipon-ipon at nagkabara-bara sa aking mga nerve endings kung kaya bigla na lang nag-welga ang aking katawan at ayaw na nitong sundin ang gusto ng aking utak. (Gets nyo?) Ang moral lesson, ngumuya bago lumunok. Dahil sa findings na ito, hindi ako nakaligtas sa weekly reflexology treatment, sa steam bath (para daw magmantika ako at lumabas ang toxins), sa mahiwagang ultramagnetic slippers, at syempre pa, sa PPTT o pito-pito tea therapy (mabuti na lang at hindi na ito pinabaon sa akin dahil hindi akma ang “afternoon tea party” sa UP). We’ve tried almost everything. Our last and probably our only hope that time was for me undergo a thymectomy before I turned 21. It was scary for me considering they’d be cutting me up pretty much the same way they’d do in a heart bypass surgery. What’s even more horrifying than the scar I would get was the fact that the operation is based on a “theory” that if they remove my thymus glands, I “might” (or might not) get well. It was a theory, not a fact. But it was my last boat out, my last card to play. Malay nga naman daw ba namin baka finally, “this is it!” So, I let the hands of science take over. Queues upon queues of neurologists, cardiologists, immunologist, surgeons, and residents, all with different views about whether I should go ahead with the surgery or not. Test after test, apparatus, one after the other, all rarely used till another myasthenic came along (no wonder I always had an audience). Althroughout, Mom stayed strong for me. Then, the big day came. And knowing that I’d be all alone with the doctors (mabuti na lang lahat sila pogi!), my mind was already a total blast and conjuring up images of me coming out of the OR looking like the Bride of Frankenstein. But, all the time, all that time, Mommy was so calm. Parang wala lang sa kanya. Sinabayan pa niya ako manigarilyo ng aking “last stick before the fasting.” Kulang na lang sabihin niya sa akin, “relax, anak, watch a movie”. Cool lang si Mommy. In fact, kumuha pa siya ng reflexologist na magse-service sa kanya sa hospital room ko habang inooperahan ako. Wala naman daw siyang gagawin sa tagal ng operasyon. Well, I guess, ganyan talaga siya. If she were a poker player, she’d be a champion bluffer. No matter how hard you scratch on the surface, you can never really fathom the depths of her emotions. Hindi dahil wala siyang pakialam. Kundi marahil ayaw niyang makita at maramdaman kong takot at kinakabahan din siya dahil baka panghinaan rin ako ng loob.
Oo nga pala, ako pala si Mona, pang-anim na anak at pinaka-kamukha ni Marina (kaya nga panay ang sabi niyang ako ang pinakamaganda!). Isang ina na rin ako ngayon. At ang masasabi kong pinakahinahangaan ko kay Mommy ay ang kakaibang uri niya ng pagmamahal sa kanyang mga anak.
Hindi siya kahit kailan naging demonstrative. Malayo si Mommy sa typical na nanay na humahabol para punasan ng pawis o binubudburan ng alcohol para layuan ng germs ang kanilang mga anak. Mommy lets us live and experience life without the sugar coating. She never fooled us by saying the world is kind. Instead, she has taught us to be strong and independent so we can face life and all its challenges squarely on our own. Hindi siya naging possesive (ni hindi nga siya umiyak noong ikinasal ako). Hindi niya kami ginawang mga bilanggo ng kanyang pagmamahal. Instead, my mom knows when and how to let go and love us from a distance. Not too far, though, for us not to see her. Just enough to make us feel that she’ll be there when we need her. Not too close either to make us feel useless. Just enough to make us feel her unwavering belief that all of us, her children, were born to shine just by being ourselves. Just enough room for us to grow and to feel her undying faith and trust in us that we can survive the fall, move on and make a difference.
‘Yan ang nanay kong si Marina! Ika nga sa commercial ng Selecta Ice Cream “O, ano? Meron ga kayong Mommy-ng gay-an? Ala-eh! Walaaaaaaa!!!!!”
Mona Leyran-Ulaye
1 July 2003